Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV, Magtatalaga ng 75 monitoring team sa buong BARMM Areas na mangangasiwa sa monitoring ng mga kaganapan sa BARMM Elections.
Ito ang sinabi ni PPCRV BARMM Regional Coordinator Rev. Fr. David Procalla sa Bandera News Cotabato.
Isasagawa ngayong araw ng biyernes ang Regional Coordinating Conference kasama ang AFP, PNP, CSO’s at iba pang sektor upang pag usapan ang paghahanda sa monitoring sa halalan.
Sa ngayon ay wala namang nakikita sinFr. Dave Procalla na anumang banta sa seguridad sa darating na BARMM Elections.
|| Via Jas Acosta, Bandera News Cotabato



